Pahayag para sa mga Kababaihan, Kababayan at mga Mamamayan ng Daigdig

Sa aking mga kabaro, kababayan at sa lahat ng mamamayan ng daigdig.  

      Mahirap sa isang babae ang lumantad at sabihing siya ay nagahasa. Pero sa kabila ng mga panghuhusga ng ilan at pagkutya sa akin ay pinili ko po ang ituloy ang kasong ito.  

      Masakit isiping, nilapastangan ako ng mga sundalong Amerikano sa sariling kong bansa. Naisip ko noon, kahit pala sa sarili kong bansa ay di ako ligtas. Pinilit kong lampasan ang mga bangungot na ito upang mabawi ang aking dangal upang patunayan sa lahat na di ko ginusto ang pangyayaring ito. 

      Noong una, akala ko ay tutulungan ako ng ating gobyerno na bawiin di lamang ang aking dangal kundi ang dangal ng sambayanang Pilipino. Pero nagkamali ako. Imbis na ako ay tulungan, mas kumiling pa sila sa mga rapists. 

      Gumuho ang aking mga simpleng pangarap, pangarap na mabuhay ng tahimik at masaya. Gumuho ang aking pag-asang manalo at mabawi ang aking dangal dahil sa mga kaganapan sa loob ng court room. 

      Marami pang di magagandang bagay ang naranasan ko sa kasong ito. Alam ko di man sabihin ng aking pamilya ay ganon din sila.  

      Salamat sa mga taong umunawa, dumamay at tumulong sa akin at sa aking pamilya. 

      Ngayon, sa inyong lahat, kumakatok ako sa inyong mga puso. Wala na akong natitirang pag-asa, kundi ang tulong at suporta ninyong lahat. Tulungan nyo akong ibalik ang aking pagkatao. Hindi man ako manalo sa loob ng korte ay maitatak naman
sana sa ating lahat ang minsan, bumangon ako, lumaban di lamang para sa aking sarili kundi para sa lahat ng kababaihan sa daigdig lalo’t higit sa aking bayan.
 

      (Mula kay “Nicole”, Setyembre 15, 2006)

Advertisements

2 Comments

  1. Carmela Arceo said,

    September 26, 2006 at 4:46 am

    Nicole,

    Nararamdaman ko ang pinagdadaan mo ngayong pagsubok, hindi ka nag iisa sa laban mo ngayon kasama mo ang mga kababaihan Pilipino na sumosuporta sa yo, ituloy mo ang iyong laban papatnubayan ka ng Poong may Kapal Lakasan mo ang yong loob. Bilang isang Ina pinagmamalaki kita sa pagsasabi mo ng katotohanan. Kaisa mo kami sa iyong laban.

    Carmela

  2. bryan said,

    November 7, 2006 at 4:35 pm

    AY NAKU NICOLE WAG KA NG UMSA DAHIL DI KA MANANALO! HINDI YAN PAGSUBOK KAGUSTUHAN MO YAN DAHIL KAGUSTUHAN MONG MAGHABLA NG RAPE KAHIT DI KA NAMAN NARAPE!PAUTO KA KASI SA NANAY MO!AT HINDI TOTOO NA SUPORTADO KA NG MGA KABABAIHAN DAHIL ALAM NAMING MGA BABAE KUNG SINO ANG NAGSASABI NG TOTOO.BABAE DIN KAYA KAMI CHAKA PWEDE BAH IHINTO NA NATIN TO?KUNG MANANALO SI NICOLE MAGIGING TRADEMARK NA TALAGA NG MGA PINOY ANG MAGING MANLOLOKO!TAMA NA SA PANDARAYA!WAG KAYONG PAGAMIT SA MANG GAGAMIT NA SI NICOLE DAHIL WALA KAYONG MAKUKUHA SYA LANG ANG MAGKIKINABANG SA GINAWA NYANG GIMIK NA TOH!PWEH!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: